-- Advertisements --

Panawagan raw ng mga supporters kaya napilitang maghain ng kandidatura sa pagka-bise presidente si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sinabi nito na maraming mga supporters nito ang umiyak noong simula ng filing of candidacy noong Oktubre 8 at hindi ito matanggap ng kaniyang konsensiya.

Dagdag pa ng presidential daughter na ang pagtakbo sa pagka-bise presidente ay isang oportunidad para mapagbigyan ang mga supporters nito.

Magugunitang nanumpa ang Davao City mayor sa Lakas-CMD party matapos na magbitiw sa partido nitong Hugpong ng Pagbabago at tuluyang naghain ng kandidatura sa pagka-bise presidente.