-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nadagdagan na naman ang bilang ng mga teroristang New Peoples Army (NPA ) na sumuko sa militar sa Barangay Rogongon, Iligan City.

Ayon kay 51st Infantry Battalionc commander Lt. Col. Jasper Edward Obar na sumuko ang dalawang rebelde dahil hindi na nila makayanan ang naranasang sobrang gutom sa bundok.

Sinabi ni Obar na ibinunyag ng isa sa mga sumuko na si alyas Braga na isang beses na lang sila kumain sa isang araw.

Mas malalala pa umano ang kanilang kalagayan ng sila’y sumapi sa makaliwang grupo kumpara nung sila’y mga sibilyan pa lamang.

Bitbit ng mga ito sa kanilang pag-surrender ang dalawang M1 garand rifles at maraming mga bala.

Napag-alaman na ngayon taon lamang, aabot na sa 29 na mga rebeldeng terorista ang sumuko sa 51st IB.