-- Advertisements --

DAVAO CITY – Temporaryo ngayon na nasa kapilya ang pitong mga pamilya matapos na masunog ang kanilang mga bahay.

Una nito, nasa pitong mga bahay sa Purok 26, Upper Malagamot, Talahi Regner Brgy. Panacan nitong lungsod ang totally damage matapos na madaling kumalat ang apoy.

Sa inisyal na imbestigasyon, naglalaro umano ng posporo ang isang bata na may problema sa pag-iisip.

Ayon sa Barangay Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO), nasa limang mga pamilya ang apektado sa nasabing sunog habang dalawang mga bahay na kabilang sa nasunog ang wala na umanonmg ng naninirahan.

Nasa 30 mga indibidwal ang apektado umano sa nasabing insidente.

Sa kasalukuyan, patuloy ang evaluation ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO sa mga apektadong pamilya.