-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Tatalakayin ngayong hapon sa meeting ng Inter Agency Task Force on COVID 19 on Infectious Diseases ang pagbawi ng Sunday lockdown.

Ito ang pahayag ni Gensan Mayor Ronnel Rivera matapos kinumpirma ang patuloy na pagbaba ng mga nagpositibo sa coronavirus disease dito sa lungsod.

Ayon pa nito mahigit sa 200 COVID 19 cases sa nagdaang buwan nagiging 163 na lamang ang active cases habang patuloy ang pagbaba nito.

Patuloy rin umano sa paghahanap ng paraan ang mga frontliner at mga medical expert para bumaba ang lokal transmission.

Sinabi pa ni Mayor Rivera na hindi dapat magpakampante dahil tumataas ang nagpositibo sa ibang lugar kagaya ng Davao kayat pinaigting ang mas mahigpit na quarantine protocol.

Matatandaan inunahan na ang lungsod sa pagpalabas ng fake news ang LGU na binabawi na ang Sunday lockdown kayat wala nang ikabahala pa ang publiko na gustong pumunta nitong lungsod.

Dagdag pa nito na ikalugod ang ano mang desisyon na gagawin ng IATF na kanya ring susundin.