-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nasa kustodiya ngayon ng Toril PNP ang isang security guard na itinuturong pumatay sa kanyang sariling kapatid sa Purok 7 Barangay Tibuloy Toril District nitong lungsod.

Una ng nakatanggap ng report ang PNP sa nangyaring shooting incident sa lugar dahilan na agad silang rumisponde.

Ang biktima na si Arman Sarajena Danosos habang ang suspek na kapatid nito ay nakilalang si Ruel Sarajena Danosos.

Sa imbestigasyon ng otoridad, nag-inuman umano ang magkapatid at nang malasing ay nagkasagutan ang mga ito.

Dahil sa sobrang galit ng suspek, bumunot ito ng kanyang armas at binaril ang biktima sa kanyang tiyan na siyang dahilan ng kanyang kamatayan.

Narekober ng otoridad mula sa suspek ang homemade Caliber .357 magnum.

Nagpahayag ng pagkadismaya ang naiwang pamilya ng Arman lalo na at sariling kapatid lamang nito ang pumatay sa biktima.