GENERAL SANTOS CITY – Umabot sa 6.5 metric tons na assorted na gulay at prutas mula sa rehiyon dose ang pinadala bilang tugon sa panawagan ni Department of Agriculture Secretary William Dar.
Sa pamamagitan ng Agribusiness and Marketing Assistance Division ng DA 12 napadali ang nasabing aktibidad na naglalayon na makontrol ang presyo ng agricultural commodities matapos tumama ang tatlong bagyo sa bansa.
Sinabi ni Abegail Gavilo, Manager ng Gensan City Food Terminal Multi Purpose cooperative na inisyatibo ito ng DA para makatulong sa mga magsasaka para mapalakas ang kita ng mga magsasaka dito sa rehiyon.
Dagdag ni Gavilo sa tuwing tatama ang bagyo duon sa Luzon dito sa rehiyon kukuha ng suplay ng prutas at gulay dahil masagana sa suplay ang mga lugar na nasa paligid ng Mt. Matutum.