-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Ang kagustuhang makakain ngunit walang makain at walang nagbibigay ng bigas ang nag-udyok sa kay Rodel Tecson, 48-anyos at residente ng Purok 9, Brgy. Bancasi nitong lungsod ng Butuan na umakyat sa Magsaysay Bridge.

Napag-alamang ilang minutong umakyat at naglalakad pa sa itaas ng tulay si Tecson bago boluntaryong bumaba nang may nakapagsigaw na mamamatay ito sa kanyang ginawa.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag nitong naiisip niyang tatalon na lamang umano sa tulay dahil sa kawalang makakain.

Samantaa inihayag naman ng kanyang live-in partner na si Geneva Oclarit na kanya itong pinagalitan dahil ang perang pambili sana nila ng bigas ay kanyang binili ng alak.

Nabigla na lamang siya nang bibili na sana sila ng bigas nang kumaripas na ito ng takbo at umakyat na sa tulay matapos siyang hampasin ng sako bag.

Bigla din itong bumaba nang sinigawan ng dumaang si Sandro Rivera ng Brgy. Buhangin na mamamatay ito sa kanyang ginawa at hindi na inantay pa ang hininging lubid at sigarilyo.