-- Advertisements --

Iimbestigahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH( ang dahilan nang pagguho ng Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga.

Sinabi ni DPWH Sec. Mark Villar, kumkukuha na sila ng mga samples at gagawa sila ng assessment kung ano ang nanging sanhi nang pagguho ng naturang building.

Kahapon, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang central Luzon na nagresulta sa pagguhi ng Chuzon Supermarket.

Ayon kay Villar, kaya sila magsasagawa ng assessment sa pagguho ng naturang supermarket dahil ito lang ang bumagsak sa lahat ng mga imprastraktura sa lugar.

Binigyan diin Villar na kung sa malabot na lupa tulad ng lahar itinayo ang Chuzon Supermarket, dapat na ginamitan daw ito ng “engineering solutions” para gawin itong durable sa mga lindol.

Matatandaan na isa ang Porac sa mga bayan na lubhang apektado ng paglabas ng lahar ng Mount Pinatubo noong 1991.

Gayunman, ayon sa kalihim, sa ngayon ay nakatuon ang kanilang atensyon sa rescue operation para sa mga na-trap sa gumuhong gusali.