-- Advertisements --
ELEPHANT 5

Natukoy na umano ng mga eksperto ang dahilan nang pagkamatay ng daan daang mga elepante sa bansang Botswana.

Ayon sa mga scientists nalason daw ang mga elepante sa iniinom nilang tubig sa ilalim ng lupa.

Ang mga elepante ang tanging mga hayop na umiinom mula sa hinukay na lupa na merong tubig.

Una rito, umaabot sa 330 mga elepante ang natagpuan patay sa Botswana, ang tinaguriang world’s biggest population of animals.

Kabilang daw sa teorya, maaring nalason ang napakaraming elepante sa neurotoxin na nakahalo sa water holes.

Posible rin daw ang dahilan ay anthrax poisoning.

Lumutang ang isyu sa lason na dala ng tinatawag na cyanobacteria o kaya naman naging resulta ito ng matinding tagtuyot at pagkatapos ay sinundan ng mga pag-ulan.

Ang mga elepante ay itinuturing na kabilang sa pinakamatalinong hayop.

ELEPHANT

Ang lifespan ng African elephant naman ay maaring umabot ng 60 hanggang 70 taon.

Tinatayang nasa 135,000 ang mga elephants sa Botswana at nagdadala umano ang turismo rito ng halos $2 bilyon na kita kada taon.