KALIBO, Aklan – Dinomina ng mga dayuhang mula sa East Asia ang bilang ng tourist arrival sa isla ng Boracay sa unang yugto ng kasalukuyang taon.
Batay sa record ng Municipal Tourism Office ng LGU-Malay, ang China at Korea ang top two “sources of market†na nakapagtala ng 80 porsyentong kabuuang tourist arrivals mula Enero hanggang Marso.
Nanguna ang mga turistang Chinese na nagbisita sa Boracay na nakapagtala ng 149,019 arrivals sa kabila ng nagpapatuloy na tensyon sa agawan sa West Philippine Sea.
Pumangalawa ang Korean national na may 97,797 arrivals; sinundan ng Americans na may kabuuang 8,268 at Russians na umabot sa 4,974.
Samantala, bumaba ng tatlong porsyento o mahigit sa 172,207 ang tourist arrival sa isla kung ikumpara sa kaparehong panahon noong 2018.
Nabatid na target ng lokal na pamahalaan ng Malay ang nasa 51,000 tourist arrival ngayong Holy Week season sa isla kung saan, tiniyak naman ng Department of Tourism (DoT) na hindi malalabag nito ang itinakdang 19,215 na carrying capacity.