Binanatan ng radio broadcaster na si Ben Tulfo ang hamon ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rolando Bautista sa kapatid nito na si Erwin Tulfo na mag-public apology sa kontrobersyal na pahayag nito kamakailan sa kalihim.
Sa kanyang internet post, kinumpara ng nakababatang Tulfo si Bautista sa karakter ni Padre Damaso dahil sa labis umanong mga hiling nito para lang mapatawad si Erwin sa kasalanan nito.
“Putres na “brotherhoodâ€! ang KAKAPAL!,” ani Tulfo.
“Ayon sa kumag na OIC, mag-sorry daw sa lahat ng media outlet. BUTAW na P300k kinakailangan para mahugasan ang kasalanan.â€
Nauna ng humingi ng paumanhin si Erwin, na isa ring mamamahayag, sa DSWD secretary matapos nitong batikusin dahil hindi ito nakasipot sa kanilang interview.
Pero sa kabila nito, hiningan ni Bautista ng public apology si Tulfo, gayundin ng P300,000 na donasyon para sa iba’t-ibang institusyon.