-- Advertisements --

Nakakita umano nang pagbaba ang Department of Health (DOH) sa average daily attack rate (ADAR) ng coronavirus disease cases sa National Capital Region (NCR) sa nakalipas na dalawang linggo.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na batay sa ADAR noong una hanggang pangalawang linggo ay mahigit pitong kaso sa bawat 100,000 indibidwal ang naitatala, kumpara ito sa ADAR noong ikatlo hanggang ikaapat na lingo na nasa 9.21 lang.

Noong Pebrero aniya ay nakakakita lang ang ahensya ng tatlong kaso sa bawat 100,000 populasyon, habang noong sumirit ang COVID cases ay nakakita naman sila ng 34 na kaso sa bawat 100,000 katao.

Ayon sa opisyal, sa ngayon ay bahagya na itong bumaba ng 25 cases sa bawat 100,000 tao.

Sa kabila ng improvement na ito, ipinaalala pa rin ni Vergeire na hindi maaaring magpakampante ang lahat. Ang naturang ADAR aniya ay posibleng magdulot ng overwhleming numbers sa health system ng bansa.

Samantala, siniguro naman nito na patuloy ang ginagawang pagbabanta ng DOH sa mga pagbabago at improvements sa growth rate at ADAR.