-- Advertisements --

Bumaba na ng 76% ang kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Navotas.

Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, mayroon na lamang 33 kaso ang naitala sa isang araw kumpara sa dating 137 kada araw ang naitatala.

Dagdag pa ng alkalde, ang dahilan ng pagbaba ng kaso ay dahil sa pagtutulungan ng mga frontline workers at ganon din ng mga barangay officials.

Malaking tulong din ang ipinatupad na quarantine band system para sa mga isolated residents.