Sa unang pagkakataon sa nakalipas na halos siyam na buwan, naitala ngayon ng Department of Health (DOH) sa kanilang daily COVID-19 cases ang pinakamababang kaso na bagong dinapuan ng virus sa Pilipinas.
Ito ay makaraang umabot lamang sa 1,591 ang mga karagdagang kaso.
Kung ipapaalala, noon pang Pebrero 24 huling nagkaroon ng ganitong kababa na COVID cases sa buong Pilipinas.
Ang mga nagkasakit sa COVID-19 mula noong nakaraang taon ay umaabot nasa 2,793,889.
Samantala mayroon namang naitalang 4,294 na gumaling pero nasa 186 ang mga bagong pumanaw.
Ang death toll sa bansa bunsod ng deadly virus ay nasa 43,586 na.
Sa kabuuang ang bilang ng mga aktibong kasong ngayon sa bansa ay nasa 38,014.
Habang umaabot na rin sa 2,712,298 ang mga gumaling mula sa coronavirus.
Mayroon namang pitong laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS) ng DOH.
“Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 7 labs na ito ay humigit kumulang 1.3% sa lahat ng samples na naitest at 3.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal,” ani DOH.