-- Advertisements --
image 253

Inihayag ng National Telecommunications Commission na mula nang maisabatas ang Subscriber Identity Module o SIM Registration Act, ang daily average na bilang ng mga reklamo sa text scam ay bumaba sa 100 mula sa 1500 na bilang.

Ang datos ay inilabas ni National Telecommunications Commission Legal Branch Officer-in-charge Andres Castelar Jr. halos dalawang buwan bago ang deadline nito.

Iginiit ni Castelar na ang personal na impormasyon ng mga subscribers ay poprotektahan sa ilalim ng SIM Registration Law.

Aniya, ang mga telecommunications provider ay ang mga tagapag-alaga ng SIM Register at ang batas ay nagbibigay ng mahigpit na parusa para sa sinadyang pagsisiwalat ng impormasyon ng pagpaparehistro ng SIM o mga paglabag na dulot ng kapabayaan.

Inihayag din ng National Telecommunications Commission na ang kabuuang bilang ng mga nakapagparehistro na ng SIM sa bansa ay umabot na sa kabuuang bilang na 42.7 million.

Ito ay 25.2 percent ng kabuuang 168 million na aktibong SIM na mayroon sa bansa.

Sa ngayon, mahigpit pa ding nagpapaalala ang naturang komisyon sa publiko na magparehistro na upang maiwasan ang pagka-deactivate ng kasalukuyang ginagamit na mga SIM cards.