KORONADAL CITY – Emosyonal na tinanggap ng isa sa mga masuwerteng daily winner ng Buena Mano Salvo Promo ng Star FM at Bombo Radyo Year 14 ang kanyang premyo matapos na maalala ang namatay na asawa nitong die hard listener ng Bombo Radyo.
Hindi maipaliwanag ni Merla Deocarez ng Prk. Santos, Brgy. Zone 3, Koronadal City ang kasiyahan matapos na manalo bilang first daily winner.
Mangiyak-ngiyak si si Deocarez ng makita ang radyo na may tatak na Bombo at Star Fm dahil ito umano ang pangarap ng kanyang sumakabilang buhay na asawa.
Ayon kay Deocarez, wala silang ibang pinakikinggan kundi ang Bombo Radyo kung saan nagsisilbi pa umano itong orasan sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay maliban sa inihahatid na mga balita at imposmasyon.
Kaugnay nito, hinikaya’t ni Gng. Deocarez ang lahat ng mga tagapakinig na sumali rin sa Buena Mano Salvo Promo 14 upang manalo ng cash, radyo at gift pack mula sa iba’t ibang sponsors ng promo.