-- Advertisements --

Pansamantala munang itinalaga ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno si Deputy Governor Francisco Dakila, Jr. bilang officer-in-charge ng BSP.

Ito ay dahil na rin nasa medical leave si Diokno habang nagpapagaling sa medical procedure na isinagawa sa kanya kahapon.

Ayon sa statement naging matagumpay naman ang medical procedure na isinagawa sa BSP governor bunsod ng blood clot dala ng minor head accident.

DAKILA DIOKNO
Dakila and Diokno (file photo BSP)

Sa ngayon inaasahan daw ang mabilis na recovery ng governor at makakalabas na rin ng ospital sa loob ng apat hanggang limang araw.

Tiniyak din naman ni Diokno sa Monetary Board at sa BSP staff wala silang dapat ikabahala at maasahan ang kanyang complete recovery sa lalong madaling panahon.

“The procedure went well and I’m now on my way to recovery. Meanwhile, I’m designating Francis Dakila as OIC BSP Governor while I’m recuperating,” ani Diokno sa statement.