IVISAN, CAPIZ – Gumagapang habang naliligo sa sariling dugo ang 25 taong gulang na dalaga nang matagpuan ng kanyang kapatid sa labas ng kanilang bahay matapos di umano’y ginahasa bandang 3:00 ng umaga, sa gitna ng kagubatan sa isang barangay sa bayan ng Ivisan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay PMaj. Ruby Magallanes, hepe ng Ivisan Municipal Police Station lumalabas sa imbestigasyon habang lumalakad pauwi ang dalaga galing sa trabaho, di umano’y nakabantay na ang suspek sa madilim na sulok at nang mapansin ito ng biktima biglang hinampas ng suspek ang ulo ng dalaga gamit ang dalang bato.
Dahil dito, natumba ang biktima at nawalan ng lakas upang ipagtanggol ang sarili, hanggang nasagawa ng suspek ang panggagahasa.
Maliban dito, ninakaw pa ng suspek ang cellphone at pera ng biktima.
Nakatakas lamang ang dalaga matapos akalain ng suspek na patay na ito dahil sa malakas na pagkakahampas ng bato sa ulo.
Matagumpay na nahuli ang suspek matapos tangka pa sang ibenta nito ang cellphone subalit sa pagbukas ng cellphone mabilis na nadetect ng kapulisan ang exact na location nito.