-- Advertisements --
Screenshot 2020 06 27 08 59 45

ROXAS CITY – Labis ang pagkabahala ng magulang ng 19-anyos na dalaga sa nangyari sa kanilang anak na mag-iisang buwan nang tuliro at nagwawala sa Barangay Libas,Roxas City.

Ayon sa pahayag ng ama ni Marynel na nagsimula ang lahat ng yayain itong uminom ng kasamahan nito sa trabaho na si Jackelyn Dela Peña.

Ngunit ikinagulat na lamang nito nang umuwi ang anak sa kanilang bahay na tuliro at nagwawala na.

Dagdag pa nito na hindi narin natutulog ang anak at madalas na nagha-halucinate ito.

Isinailalim din sa drug test ang dalaga subalit negatibo naman ang resulta nito.

Naniniwala naman ang magulang ni Marynel na pinainom ito nang hindi malamang likido.

Sa ngayon ay pansamantalang ikinustodiya sa crisis center sa lungsod ng Roxas ang naturang dalaga.