ILOILO CITY – Desididong magsampa ng kaso ang magulang ng 13-anyos na dalaga laban sa suspek na gumahasa sa biktima sa Oton, Iloilo.
Nangyari ang insidente sa Barangay Tagbac Sur kung saan kinilala ang suspek na si Minard Noveros, 21, residente ng Barangay Buray sa nasabing bayan.
Ayon kay PSsgt Ma Elena Doliguez ng Women and Children’s Protection Desk ng Oton PNP, napag-alaman na nagpapastol ng kambing ang biktima nang nilapitan ito ng suspek at tinutukan ng kutsilyo, dinala sa isang kubo at doon na ginahasa.
Matapos ang insidente, tumakas ang suspek ngunit nahuli din ito sa isinagawang hot pursuit operation ng otoridad sa Barangay Barasalon, Janiuay, Iloilo.
Ayon kay Doliguez, isinailalim na eksaminasyon ang biktima at sa posibleng sa Lunes na isasampa ang kasong rape laban sa suspek.