DAVAO CITY – Patuloy ngayon ang ginagawang search and rescue operation ng otoridad sa isang 22 anyos na dalaga matapos itong anurin ng baha kahapon sa Brgy. Mamacao, Kapalong, Davao del Norte kung saan hanggang ngayon ay nananatili itong missing.
Nanguna sa nasabing operasyon ang mga personahe sa Kapalong Municapal Disaster Risk Reduction and Management Office, BFP Special Rescue Force Davao del Norte at kapulisan.
Sa imbestigasyon ng otoridad, tatawid sana ang biktima sa ilog ng bigla na lamang itong natangay sa malakas tubig-baha.
Nabatid na apektado rin ang nasabing lugar sa malakas na pag-ulan dahilan na nakaranas ng pagbaha ang nasabing ilog.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) wala umanong ibang daanan ang mga nakatira sa lugar dahilan na karamihan sa mga residente ay napipilitan na lamang na tumawid kahit na malakas ang tubig.
Pinayunahan na lamang ang mga residente na mas mabuting iwasan na lamang ang pagtawid lalo na kung malakas ang baha para hindi malagay sa alanganin ang buhay.