BUTUAN CITY – Humantong sa pagkamatay ng isang dalaga habang kritikal naman ang kasama nito sa aksidente sa aksidente pasado alas 2:00 ng madaling araw kahapon sa Magsaysay Bridge, Purok-5, Brgy. Buhangin, Butuan City.
Napag-alamang isang Yamaha Mio na plate number 1501-0015 na minamaneho ni Kringle Candy Moleta Bonilla, 24-anyos, dalaga na residente sa Purok- Madasigon, Brgy Agusan Pequiño, Butuan City ang bumangga sa kasalubong na sasakyang Toyota Wigo na may plate number NAI 2995 na minamaneho rin ni Elvis Dablio Labares , 41-anyos, may-asawa at residente sa Zone 7, Barra, Opol, Misamis Oriental.
Sa imbestigasyon, pinaniniwalaang parehong naka-inom ang dalawang drayber dahilan sa malakas na pagpapatakbo.
Dahil sa malakas na impact, seryosong injuries ang natamo ng drayber sa single motor pati na ang backrider nitong isang 17-anyos na dalaga na taga Purok-3, Brgy Baan Riverside, Butuan City na daling dinala ang mga ito sa Butuan Medical Center ngunit dineklarang dead-on-arrival ang drayber na si Bonilla.
Malaking danyos sa single motor habang ang sasakyan naman ay may pinsala sa kaliwang parte na parehong dinala sa Butuan City Police Station-1 pati na ang drayber sa nasabing sasakyan.