-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang isang dalaga matapos umanong makagat ng ahas o mas kilala na Banakon sa probinsya ng Cotabato.


Nakilala ang biktima na si Angelina Francisco,18 anyos at residente ng Brgy Noa Magpet North Cotabato.

Ayon sa ulat, kinuha lang umano nito ang kanilang alagang kambing dahil sa umuulan sa masukal na bahagi di kalayuan sa kanilang tahanan..

Nagtaka nalang umano ang kaniyang mga magulang dahil sa nagmamadali itong umuwi.

Dito na nakitang may sugat ang parte ng kanyang paa na pinaniniwalaang nakagat ng ahas.

Hindi rin agad nadala sa ospital ang dalagita dahil sa may kalayuan ang kanilang bahay.