-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nakakagimbal ang sinapit ng 17-anyos na dalagita matapos itong paslangin ng kanyang stepfather sa probinsya ng North Cotabato.

Ang biktimang si Jeanny Mae Rollan, na Grade 11 sa Saint Jude College at residente ng housing area Brgy Upper Glad 1 munisipalidad ng Midsayap, ay pinaslang ng kanyang stepfather na si Jesus Socito.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagkasagutan daw ang dalawa matapos tangkain ng suspek na gahasain ang biktima.

Dahil sa galit ng stepfather kumuha siya ng itak, pinagtataga ang biktima at hinampas pa ng palakol ang ulo at mukha.

Patay on the spot ang dalagita nang magtamo ng malaking sugat sa ulo at mukha.

Agad namang sumuko ang suspek sa kanyang mga kaibigan at mga opisyal ng Barangay.

Kinumpirma rin ng mga kapitbahay ng suspek na lagi itong nasasangkot sa gulo at may dati nang reklamo sa kanya sa tangkang panggagahasa.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa lock-up cell ng Midsayap PNP at patuloy na iniimbestigahan kung tinangka pa itong gahasahain bago pinatay.