-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Dumulog sa himpilan ng Bombo Radyo Butuan ang iyang tiyuhin matapos na hindi na naka-uwi pa sa kanilang bahay ang pamangkin nitong guro mula ng umalis nitong Martes ng gabi, Pebrero a-25.

Nakilala ang pinaghahanap na guro na si Abigail Manlangit, netibong taga-Loreto, Agusan del Sur at kasalukuyang nakatira sa Emenville Subdivision sa Brgy. Ambago nitong lungsod at nagtuturo ng Filipino subject sa Agusan National High School nitong lungsod ng Butuan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng tiyuhing si Rofel Manlangit na umalis ito patungo umano sa bahay ng kanyang dating kasintahan at hindi na naka-uwi pa.

Dito na siya na-alarma nang tumawag sa kanya kina-umagahan ang dati nitong boyfriend at nagtanong kung umuwi ba si Abigail hanggang sa hindi na nila ito makita at walang nakaka-alam sa kanyang kinaroroonan.

Naiwan umano ng guro ang kanyang personal na mga gamit sa tirahan ng dati nitong kasintahan.