-- Advertisements --

(Update) BAGUIO CITY – Binawian na ng buhay ang isang menor de edad matapos madaganan ng sanga ng puno sa Mt. Breeze, Camp John Hay sa Baguio City.

Nakilala ang biktimang si Patriz Claveria Lupato, 16-anyos na estudyante at residente ng Bayan Park, Aurora Hill, Baguio City.

Ayon sa pulisya, nagpapahinga ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan sa nasabing lugar nang biglang maputol ang patay na sanga ng pine tree noong Sabado.

Nahulog ang sanga at tumama sa bahagi ng tiyan ng dalagita kung saan nadaganan ang internal organs nito batay sa resulta ng medikasyon.

Naitakbo pa sa pagamutan si Lupato ngunit dahil sa epekto ng malakas ng pagtama ng sanga sa tiyan nito ay tuluyang namatay ang biktima kagabi.

Ayon kay PO2 Carl Lumas-e, imbestigador ng kaso, kasing laki ng isang tao ang sanga ng puno na tumama sa biktima.

Sinabi niya na nakatakda ang pagputol sa pine tree ngunit hindi pa ito inaaprubahan ng Department of Environment and Natural Resources.