-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Ligtas na nakalabas ng sinunog nilang bahay ang isang 16-anyos na dalagitang muntikan ng magahasa ng isang magnanakaw na pumasok sa kanilang bahay dakong ala-1:30 kahapon ng madaling araw sa Purok 7-C, Paradise, Brgy. Poblacion sa bayan ng Trento, Agusan del Sur.

Napag-alamang nag-iisa lamang sa kanilang tahanan ang biktimang itinago lang sa pangalang Inday, dahil nasa kabilang bayan ng Sta. Josefa ang kanyang mga magulang.

Pinagtangkaan umano itong gahasain ng magnanakaw at dahil nanlaban ay hinampas ng bote ang kanyang ulo, sinaksak sa dibdib at itinali kung kaya’t nagpapatay-patayan na lamang ito.

Sinunog umano ng hindi pa kilalang lalaki ang kanilang bahay sabay takas kung kaya’t sinisikap ng biktima ang gumapang hanggang sa nakalabas siya matapos tumalon sa bintana na walang underwear at natangay ng kawatan ang kanyang iphone at 400-pisong cash.

Nalaman na dalawang bahay pa ang unang pinasok nga responsable bago pinasok at sinunog ang bahay ng dalagita.