-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Patay na at palutang-lutang sa ilog ang bangkay ng dalagita sa Brgy Gocotan Pikit North Cotabato.

Nakilala ang biktima na sin Rosaña Pidong,14 anyos at residente ng Banisilan North Cotabato.

Matatandaan na tumawid ang biktima sa tulay na kable sa Maridagao river galing sa tahanan ng kanyang Lolo sa bayan ng Carmen.

Aksidenteng nadulas ang dalagita at nahulog sa ilog.

Sinubukan pa itong iligtas ng pamilya at mga kapitbahay ngunit bigo silang makita ang dalagita.

Tumulong na rin ang mga tauhan ng Municipal Risk Reduction and Management Office (MRRMO) ngunit pati sila ay nabigong mahanap ang biktima.

Makalipas ang ilang araw ay natagpuan ang bangkay ng dalagita na palutang-lutang sa Brgy Gocotan Pikit North Cotabato at sa tulong ng mga residente ay inahon ito mula sa ilog.

Positibo naman na kinilala ng pamilya ng biktima ang bangkay nito.

Hiling ngayon ng mga residente sa hangganan ng bayan ng Banisilan at Carmen na sana mapalitan ang kableng tulay ng hanging bridge.