-- Advertisements --

Wala ng buhay at naliligo sa sariling dugo ang 14-taong gulang na dalagita ng matagpuan ng mga pulis sa Barangay Poblacion Sur, Ivisan, Capiz.

Kinilala ang biktima na si ‘Angel’ habang ang suspek ang kinalala na si Louie Lipalim, residente ng Barangay Lambunao, Iloilo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay PMaj. Ruby Magallanes, hepe ng Ivisan Municipal Police Station, sinabi nito na nag-ugat ang krimen, matapos kinumpronta ni Lipalim si Angel habang bumibili sa tindahan at pinagbibintangan na kinuha ng biktima ang kanyang pera.

Dahil lasing ang suspek, hindi ito nag-atubili at mabilis na pinagsasaksak, hindi pa nakuntento ang suspek at pinagtataga nito ang biktima hangga’t halos maputol na ang kamay.

Plano pa sana ng suspek na ilibing ang biktima upang ma-ikubli ang ginawang krimen subalit may nakarinig sa sigaw ng biktima at dali-dali itong tumakas.

Dahil sa pagpamamadali, wala na nakuha ng suspek ang nakabaong kutsilyo sa katawan ni Angel.

Mabilis naman nagsagawa ng hot pursuit operation ang kapulisan at pagka-umagahan bandang 6:00 ng umaga nahuli ng ma-otoridad ang suspek na nagtatago sa isang sapa.

Subalit dinala ito sa ospital matapos di umano’y uminom ng pesticide upang kitilin ang sariling buhay.

Sa ngayon, nahaharap ito sa kasong murder.