-- Advertisements --
CEBU CITY – Kaagad namatay ang isang dalagita sa sumiklab sunog kaninang madaling araw sa Sitio Amor Barangay Sambag 1 sa Lungsod ng Cebu.
Kinilala ang biktima na si Dawn Therese Awi, 14-anyos na high school student sa isang unibersidad ng lungsod.
Itinaas sa third alarm ang sunog pasado alas-2:57 ng madaling araw at idineklarang under control pasado alas 4:59 ng madaling araw.
Ayon kay SFO3 Oliver Tautho, nasa 32 bahay ang natupok ng apoy sa nangyaring sunog.
Tinatayang P320,000 ang danyos sa insidente.
Nabatid na nasunog din ang bahagi ng audio at props room ng kalapit na Cebu City Sports Center.
Sa ngayon, tinututukang anggulo na dahilan ng pagkasunog ay ang posibilidad na may naiwang nakabukas na appliances.