-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Hindi na nailigtas pa ang buhay ng isang Grade 11 student sa bayan ng Sibagat, Agusan del Sur matapos itong magbigti kahapon sa Purok 6, Brgy. Anahawan sa nasabing bayan.

Ayon kay Police Staff Sgt. Ion Rey Bagtong, pasado alas-5:45 ng umaga, nang gigisingin na sana ng lola ang biktimang itinago lamang sa pangalang Inday para maghanda na sa kanyang pagpasok sa eskuwela ngunit nakita niyang nakabitin na ito.

Kaagad na kinalagan ng lola ang biktima ng lubid na itinali sa kanyang leeg ngunit hindi na ito na-revive pa.

Lumabas sa kanilang imbestigasyon mula sa mga classmates ni Inday sa Sibagat National High School na nahihirapan ito sa kanilang mga subjects lalo na sa English na kinumpirma naman ng lola.

Dahil dito’y kumbinsido ang pamilya ng biktima na walang foul play sa kanyang pagkamatay.