-- Advertisements --

ILOILO CITY- Inihahanda na ang kasong isasampa sa dalawang lalaki na gumahasa sa isang menor de edad sa Mina, Iloilo.

Ang biktima ay 12 anyos na dalagita, residente ng Zarraga, Iloilo samantalang ang mga suspek ay isang 18 anyos at isang 19 anyos, na residente ng Mina at New Lucena, Iloilo.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Pol. Lt. Gina Fernandez, officer in charge ng Mina MPS, sinabi nito na pumunta ang dalagita sa Mina, Iloilo matapos
inimbita sa birthday party ng pinsan ng isa sa mga suspek.

Nalasing umano ang biktima at inaya itong matulog nalang sa bahay ng isa sa mga suspek at doon na nangyari ang umanoy panggagahasa.

Ayon kay Fernandez, maaaring nagtiwala ang biktima dahil chatmates niya ang dalawang lalaki.

Nang umuwi ang biktima sa kanilang bahay, doon na isinumbong ng biktima sa kanyang lola ang nangyari.

Isinailalim sa medical test ang biktima at positibo ang resulta na ito ay ginahasa.

Mariin namang itinanggi ng mga suspek ang akusasyon.