-- Advertisements --
Noor Alexandria Abukaram
Noor Alexandria Abukaram/ FB image

Labis ang pagkadismaya ng 16 anyos na babaeng muslim matapos na ito ay ma-disqualified sa isang district level race.

Ito ay dahil sa pagsusuot niya ng hijab na pinagbabawal sa ruling ng torneo.

Ayon kay Noor Abukaram, sinabi lamang sa kaniya na bawal ang kaniyang suot matapos ang pagtawid nito ng finish line.

Dahil dito ay balak ng Ohio High School Athletic Association (OHSAA) na palitan na ang kanilang ruling.

Ikinagalit naman ni Noor ang pangyayari at itinuturing na labis itong napahiya.