-- Advertisements --
Itinakbo sa pagamutan si Tibetian spiritual leader Dalai Lama dahil sa pananakit sa tiyan.
Ayon kay Tenzin Taklha, personal secretary ni Lama, nasa mabuting kalagayan na ang 83-anyos na Buddhist monk at nakatakda na ring lumabas agad mula sa New Delhi hospital.
Agad aniya itong sinuri ng mga doctor at nabigyan din ng lunas.
Nabahala naman ang may 100,000 Tibetans na naninirahan sa India sa naging kalagayan ni Dalai Lama.
Si Dalai Lama ay lumipat sa India noong 1959 dahil sa pagkontra sa ipinapatupad ng China at mula noon ay nanirahan na siya sa bulubunduking bahagi ng Dharamshala.