-- Advertisements --

Dumating na sa New York ang pinatalsik na spiritual leader ng Tibetan Buddhism na si Dalai Lama.

Nakatakda itong magpa-opera ng kaniyang tuhod sa nasabing lungsod.

Lulan ng limousine ang 88-anyos na si Dalai Lama kung saan binati ito ng mga supporters na nag-abang sa kaniyang tinutuluyang hotel.

Taong 1959 ng nagtungo sa India si Dalai Lama matapos ang bigong pagkontra nito sa pamamahala ng China sa Tibet.

Dumaranas na ng iba’t-ibang sakit ang Nobel peace prize winner noon pang mga nakaraang taon.