KORONADAL CITY – Nagpositibo sa COVID-19 ang 21 mga inmates sa Koronadal City Police Station lock-up cell.
Ito ang naging kumpirmasyon ni City Health Officer Dr. Edito Vego sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Vego, posibleng nahawa umano ang ibang inmantes sa loob ng selda sa mga nagpositibo nilang kasamahan.
Dahil dito, pansamantalang sinuspende muna ang schedule ng dalaw sa nasabing lock-up cell.
Kaagad naman na isinailalim sa swab test ang mga nakabantay na mga jail guards at ilang preso sa lock-up cell at ipinadala sa Cotabato City dahil kulang na ang cartridges sa lungsod.
Sa ngayon naghihintay pa ang City Health Office sa mga resulta ng pinadalang test na tatagal naman sa loob ng isang araw.
Sa kabuuan nasa 618 na ang COVID-19 cases sa lungsod ng Koronadal, 549 ang gumaling na 53 naman ang active cases habang 16 na ang binawian ng buhay.