-- Advertisements --

Sumuko na rin sa mga otoridad ng National Bureau of Investigation sa Davao Region ang dalawa pa sa mga kasamang akusado ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy sa kasong sexual at child abuse.

Ito ang kinumpirma ni NBI-Davao region Director, Atty. Archie Albao sa gitna ng nagpapatuloy na ginagawang pagtugis ng mga otoridad sa kinaroroonan ni Pastor Quiboloy.

Kung maaalala, una nang sumuko kahapon sa mga otoridad ang tatlo sa limang co-accused ni Quiboloy sa nasabing kaso na kalauna’y pinalaya rin matapos na makapagpiyansa.

Kaugnay nito ay bumuo na rin ng tracker team ang Philippine National Police para tuntunin ang kinaroroonan ng akusado ng pastor para maihain na rin ang inilabas na warrant of arrest ng Davao Regional Trial Court.