Patay ang dalawang katao sa pagbaha at landslide sa Malalag, Davao del Sur. Ito’y matapos ang malakas na ulan dulot ng Intertropical Convergence Zone o ITCZ.
Isinailalim na rin sa State of Calamity ang Malalag, base sa Resolution no. 188, Series of 2022. Napag-alamang dahil sa malakas na buhos ng ulan, lubog sa baha ang labing isang Brgy. sa Malalag partikular na ang Poblacion, Bulacan, Caputian, Bolton, Tagansule, Bagumbayan, Baybay, New Baclayon, Kiblagon, Brgy. Pitu ug Ibo, kung saan may naitala na dalawa kataong namatay.
Pansamantala namang stranded ang mga sakyanan ng dahil sa nangyaring landslide sa National Road na nagkonekta sa Digos City at General Santos in partikular sa Balunan, Malalag, Davao del Sur. Iilang tulay rin ang nasira sa Padada sakop ng nasabing probinsya.
Maliban dito, naglabas din ng Memorandum si Malalag Municipal Mayor Peter Paul Tan Valentin kung saan suspendido ang klase mula kahapon, hanggat hindi mabuti ang lagay ng panahon.
Sa kabilang dako, isinailalim din sa State of Calamity ang bayan ng Sta. Maria, Davao Occidental. Nagtamo ang naturang bayan ng matinding pinsala dulot ng malawakang pagbaha at landslide, kung kaya’t umaasa ang lokal na pamahalaan na sa pamamagitan ng resolution No. 74, series of 2022, mabibigyan ng kapangyarihan ang LGU upang magamit ang kanilang calamity fund para sa recovery.