Nagbalik loob na sa gobyerno ang dalawang aktibong miyembro ng NPA mula sa lalawigan ng Negros Occidental.
Isa na rito ay si alyas Ka Dante, 70 anyos ay miyembro ng Northern Negros Front sa ilalim ng Komiteng Rehiyon-Negros Bohol Cebu Siquijor, sa Barangay Zone 12-A .
Isinurender nito sa mga tropa ng gobyerno ang isang .38 caliber revolver, isang M203 grenade, at dalawang bala ng kalibre .38.
Sumuko rin si alyas ka dong 47 anyos mula sa San Carlos City sa naturang lalawigan.
Siya ay dati ring miyembro ng Northern Negros Front sa ilalim ng Komiteng Rehiyon-Negros Bohol Cebu Siquijor.
Isinuko nito ang isang improvised 12-gauge shotgun, isang 40mm grenade, isang blasting cap, at dalawang detonating cord.
Kasabay ng pagbabalik loob ng nasabing mga rebel returnee , nakatanggap ito ng isang sako ng bigas bilang agarang tulong mula sa pamahalaan.
Samantala, ang mga sumuko ay sumailalim sa isang serye ng mga interviews at dokumentasyon para sa validation at para magamit nila ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program ng gobyerno.
Binigyang diin naman ni Police Brig. Gen. Sidney Villaflor director ng Police Regional Office (PRO)-6 (Western Visayas) ang kahalagahan ng boluntaryong pagsuko para sa pagbuwag sa mga network ng insurhensya.
Ayon kay Villaflor, ang PNP ay patuloy na magbigay ng suporta at pagkakataon sa rehabilitasyon para sa mga pumipili ng landas ng kapayapaan.
Hinimok rin niya ang komunidad at iba pang indibidwal na sangkot sa mga aktibidad ng insurhensya na sundin ang naging hakbang ng mga sumukong rebelde.