Sinampahan na ng kaso ang dalawang babae na naaresto kamakailan dahil sa pagkakasangkot umano ng mga ito sa sex trafficking ng mga menor de edad na babae.
Kinilala ang dalawang suspect na sina Maria Jorgia Gadiano at Princess Anne Custodio.
Nahaharap na sila ngayon sa kasong may kinalaman sa paglabag sa f Republic Act (RA) No. 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, as amended sa Binan City regional trial court
Ito ay may kaugnayan rin sa RA 10175 na mas kilala bilang Cybercrime Prevention Act of 2012.
Walang piyansa na inirerekomenda ang korte para sa nasabing kaso.
Sa isang pahayag, sinabi ni Justice Sec. Jesus Crispin C. Remulla na magsilbi sana itong babala sa mga human traffickers na patuloy na gumagawa ng ganitong uri ng ilegal na aktibidad.