-- Advertisements --

Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang dalawang foreign national na sinasabing sangkot sa money laundering at fraud

Unang nahuli ang isang Chinese national na sinasabing sangkot sa ilegal na operasyon ng POGO sa bansa.

Kinilala ito na si Wang Zhouyu , 35 anyos at naaresto sa Roberts St. Pasay City ng BI’s fugitive search unit.

Ayon sa ahensya, maituturing si Zhouyu bilang undesirable alien matapos na masabihan ang BI ng mga otoridad sa China na nahaharap ito sa standing warrant of arrest.

Nahaharap ito sa kasong paglabag sa Article 82 ng PRC Criminal Procedure Law dtd.

Samantala , naaresto naman ng BI ang isang South Korea national na nahaharap sa kasong fraud sa kanyang bansa.

Kinilala ito na si Na Ikhyeon, 28 anyos.

Mananatili naman ang dalawa sa holding facility ng ahensya habang pinoproseso ang kanilang deportasyon.