-- Advertisements --
image 524

Ibinunyag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na dalawang barangay sa Batangas City na ang naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Ito ay ang Brgy. San Agustin at Brgy. San Agapito na inabutan na ng oil slick mula sa lumubog na oil tanker na Princess Empress.

Bukod sa dalawang barangay sa Batangas City, naapektuhan din ng oil spill ang 66 barangay sa Oriental Mindoro, anim sa Palawan, at tatlo sa Antique, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Ang mga operasyon sa paglilinis ay nagpapatuloy sa ikatlong sunod na linggo upang maiwasan ang pagkalat pa ng malawakang oil spill.

Kaugnay niyan, ang motor tanker na Princess Empress ay natagpuan na ng remotely operated vehicle (ROV) ng Japan na tinatawag na Hakuyo.

Ang Hakuyo ay ang underwater robot na dinala ng Japanese dynamic positioning vessel (DPS) na Shin Nichi Maru upang tulungan ang Pilipinas na tukuyin ang kinaroroonan ng lumubog na motor tanker sa ilalim ng karagatan ng Oriental Mindoro.

Una na rito, ang naturang oil tanker ay pinaniniwalang nasa 400 metro sa ilalim ng karagatan.