-- Advertisements --

Nasawi ang dalawang bata nang ma-trap ito sa loob ng kanilang nasusunog na bahay sa Silang, Cavite.

Ayon sa BFP, ang mga biktima ay tatlong taon at apat na taong gulang.

Natagpuan ang kanilang bangkay na sunog na sunog habang magkayakap ang mga ito sa Barangay Bilus.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga kinauukulan, sandaling iniwan ng kanilang ina ang mga biktima para kumuha ng panggatong na kahoy at pagbalik nito ay nilamon na ng apoy ang kanilang buong bahay.

Kumalat din ang naturang apoy sa mga kalakip na bahay nito.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng BFP kung ano ang naging sanhi ng insidente.

Inaalam din nito ang kabuuang halaga ng naging pinsala sa mga naturang ari-arian na nadamay.