-- Advertisements --

Arestado ang dalawang Chinese passengers sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 matapos na magpresenta ng pekeng visa.

Kinilala ng BI ang mga ito na sina Wang Dingku, 31 anyos, Su Zhengkun 25, anyos .

Ayon sa ahensya, sinubukan ni Dingku at Zhengkun na umalis ng bansa patungo sana sa Bangkok, Thailand.

Bitbit rin aniya ng naturang mga pasahero ang ilang pekeng dokomento para makapasok sa Bangkok.

Sinampahan na ng reklamo ang dalawa dahil sa paglabag nito sa Philippine Immigration Act.

Mananatili ang dalawa sa holding facility ng BI sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang pinoproseso ang kanilang deportasyon.