Kinumpirma ng fact-finding team na binuo ng mga progresibong grupo na natagpuan na nila ng dalawang environment advocates na unang naiulat na nawawala at dinukot sa San Carlos City, Pangasinan.
Sa isang joint statement, sinabi ng fact-finding team na ang environmental rights defenders at church workers na si Francisco “Eco” Dangla III at Joxelle “Jak” Tiong ay wala na sa kanilang mga abductors.
Ayon sa grupo, ang dalawa ay puno ng mga pasa at galos sa kanilang katawan.
Ang mga ito ay kasalukuyang nagpapagaling mula sa trauma na dinanas nito sa kanilang mga abductors.
Umaasa rin ang grupo sa mabilis na pagrekober ng dalawa upang ganap nilang mailahad ang buong detalye sa kanilang pagkadukot at kung paano sila nakalaya.
Kung maaalala, sakay ng tricycle si Tiong at Dangla patungo sa Barangay Polo ng hinarang sila ng mga unidentified individuals dakong alas 8 ng gabi noong March 24.
Sila ay hinarap umano ng mga salarin at sapilitang pinapasok sa loob ng sasakyan.