Ilulunsad ngayong araw, March 3, ang People’s Impeachment Movement (PIM) na nagsusulong sa agarang pagpapatalsik kay Vice President Sara Duterte sa pamamagitan ng pagpapapirma sa mga mamamayan.
Ito ay itinutulak ng mga grupong Sunog Sala, Konta Abo (Abusive Behavior and Oppression) na binubuo ng mga pari, pastor, at iba pang kinatawan ng iba’t-ibang religious sector.
Ayon sa grupo, ang mga miyembro nito ay pawang nagnanais ng malinis ang bansa mula sa pang-aabuso at pang-aapi.
Sa ilalim ng PIM, target ng grupo na maka-kulekta ng isang milyong pirma kada buwan upang himukin ang Senado na madaliin na ang impeachment proceeding laban kay VP Duterte.
Igiiniit ng grupo na ito ay bahagi ng kanilang panawagan para mabigyan ng hustisya ang mag biktima ng madugong kampaniya laban sa iligal na droga ng nakalipas na administrasyon.
Binigyang-diin ng mga ito na ang kanilang kampaniya ay pagpapakita ng pagkakaisa ng mga mamamayan at simbahan para labanan ang lahat ng uri ng pang-aabuso at pang-aapi.
Kabilang sa mga magsisilbing panelist ay sina Fr. Joel Saballa, Deputy Executive Director ng Caritas Novaliches, Fr. Flavie L. Villanueva, Fr. Bong Sarabia, Sr. Grace de Guzman, atbpa.
Gaganapin ito sa Sacred Heart Parish, Kamuning, Quezon City.