DAVAO CITY – Kinondena ng mga miyembro ng militar ang patuloy na paglabag ng mga miyembro sa New People’s Army (NPA) at ang patuloy na pagsasagawa nito ng mga masasamang plano na maaring makaapekto hindi lamang sa mga militar kung hindi pati na sa mga sibilyan.
Nabatid na nasa dalawang mga bomba o (Improvised Explosive Device) ang matagumpay na narekober ng mga personahe sa 28th IB Philippine Purok Post 4, Sitio Diat Palo, Brgy Napnapan, Pantukan, Davao de Oro.
Nagpapasalamat naman ang mga militar sa mga residente sa lugar sa ibinigay na impormasyon sa kanila patungkol sa masasamang plano ng mga rebelde.
Agad naman na inimbestigahan ng militar ang lugar kung itinanim ang eksplosibo at matagumpay na narekober ang mga IED.
Patuloy naman ang panawagan ng military sa mga residente na ipagpatuloy ang koordinasyon sa kanila para agad nilang maaksiyonan ang masasamang plano ng mga teroristang NPA.
Una ng inihayag ng militar na humihina na ang mga miyembro ng mga rebelde saDavao region dahil sa ipinatupad na programa ng gobyerno na magbibigay ng kaunlaran sa komunidad lalo na sa mga malalayong lugar sa rehiyon.