Inaresto ng National Bureau of Investigation-Human Trafficking Division (NBI-HTRAD) ang dalawang indibidwal sa Quezon City dahil sa sexual exploitation ng isang menor de edad.
Nag-ugat ang kaso sa isang referral na natanggap ng ahensya mula sa “The Exodus Road”, isang Non-Governmental Organization, tungkol sa mga gumagamit ng telegram na umano’y nag-aalok ng sexual-video recorded content at live na sekswal na palabas sa mga dayuhang customer sa halagang Php 25,000.00 bawat transaksyon.
Sa imbestigasyon at pag-verify ng mga operatiba ng HTRAD, nalaman na patuloy na iniaalok ng subject ang biktima para sa sexual exploitation kapalit ng isang tiyak na halaga ng pera.
Ang operasyon ay nagresulta sa pag-aresto kay Subjects “YNA” at “SAM” na caught in the act na nag-aalok sa menor de edad na biktima para sa sexual exploitation .
Ang biktima ay dinala mula Navotas patungong Quezon City para magsagawa ng mga live sexual show.
Sa ngayon, naiharap na sa inquest proceedings ang mga suspect para sa paglabag sa RA 11862 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022, RA 11930 o Anti-Online Sexual Abuse o Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse o Exploitation Materials Act, at RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.