Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation sa lungsod ng Caloocan, ang dalawang indibidwal na umanoy sangkot sa pagbebenta ng malaswang larawan at video ng kanilang mga anak sa internet.
Ayon kay NBI Dir. Jaime Santiago, nakatanggap sila ng impormasyon na mula sa kanilang mga foreign counterparts sa US dahilan para magkasa sila ng operasyon laban sa mga suspect.
Batay sa impormasyon, nag-aalok umano ang mga suspect sa mga parokyanong dayuhan nito ng malalaswang content ng kanilang mga anak.
Nahaharap na ngayon ang dalawa sa kasong qualified trafficking at violence against women and children.
Nasa kostodiya naman ng NBI ang anim na nasagip na biktima na pawang mga anak ng mga suspect.
Sa ngayon, isinasailalim na ng NBI sa forensic investigation ang mga nakumpiskang gadget mula sa nasabing operasyon.