Matagumpay na inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation – Central Luzon Regional Office (NBI-CELRO) at Pampanga District Office ang dalawang indibidwal na nagpanggap bilang ahente ng ahensya para mangikil ng pera sa mga operators ng perya.
Kinilala ng awtoridad ang mga suspect na sina Timothy James Tibajia y Saporteza at William Ang y Fernandez.
Naaresto ang dalawa matapos ang ikinasang entrapment operation sa Pulilan, Bulacan.
May kinalaman ito sa kasong Robbery/Extortion, Usurpation of Authority of Official Function, at Illegal Possession of Firearms.
Ang operasyon ay nag-ugat sa isang reklamong natanggap ng NBI-CELRO na sinasabing si Tibajia at ang kanyang mga kasamahan, na kumakatawan sa kanilang sarili bilang mga NBI Agents, ay nangikil ng pera sa Complainant na nag-ooperate ng “peryahan.”
Humingi umano ng Php200,000.00 bilang proteksyon ang mga nasasakupan at binantaan ang nagrereklamo na ipatitigil nila ang operasyon ng kanyang “perya” kapag hindi niya babayaran ang hinihinging pera.
Narekober sa pag-iingat ni Tibajia ang NBI badge wallet, NBI security access pass and Glock 19 Cal. 9mm pistol.
Ang mga naarestong subject ay iniharap para sa inquest proceedings para sa mga nabanggit na paglabag.
Ang karagdagang imbestigasyon ay nagsiwalat na si Subject Tibajia ay may natitirang Warrant of Arrests para sa paglabag sa R.A. 10591 at Carnapping.